Hindi mawawala ang pagkakaisa sa isang bansa
Lalo na sa mga taong mapagkumbaba
Hindi ito biro at katuwaan
Ang pag tutulungan ang siyang bunga ng pagmamahalan
Madali man isipin pero mahirap gawin
Respeto at unawa sa mga kapwa natin
Tayo ay magkaisa at magtulungan
Nang mabigyan ang lahat ng magandang kinabukasan
Dilang sa tao at pati rin sa hayop
Kailangan nating dumistansya at lingapin sila
Nang dumami at umunlad ang buhay nila
Di lang sila basta basta, sila rin ay may halaga
Ang pagkakaisa ay nagsisimula sa sarili
Tayo ang may hawak ating gawi
Lahat ng bagay at dapat isipin
At pairalin ang puso at damdamin